Nadagdagan pa ng 1,754 ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas dahilan upang pumalo na sa 459,789 ang total cases sa bansa.
Sa pinakahuling case bulletin ng Department of Health, mas maraming naitalang bagong kaso sa Quezon City na umabot sa 163 na sinundan ng Rizal province (104), Benguet at Laguna (parehong 83), at Bulacan (61).
Nakapagtala naman ng “mass recovery” ang DOH na pumalo sa 8,080 dahilan upang sumampa na sa 429,134 ang total recoveries kung saan sa bilang na ito ay 21,708 na lamang ang active cases.
Samantala, sumirit naman sa 8,947 ang death toll bunsod ng pagpanaw ng anim pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,754 ngayong Linggo, Disyembre 20.
Pumalo na sa kabuuang 459,789ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 21,708 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/QfsoOZ0Rxu
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 20, 2020