Pumalo na sa mahigit 480,000 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,353 panibagong COVID-19 cases ngayong Huwebes, Enero 7.
Dahil dito, nasa 482,083 na ang total cases, kung saan 23,675 dito ay active cases.
Samantala, 360 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 449,052 ang total recoveries
Habang 9 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 9,356 na ang death toll ng coronavirus sa bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,353 ngayong Huwebes, Enero 7.
Pumalo na sa kabuuang 482,083 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 23,675 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/JwAwTbLkAe
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 7, 2021