Pumalo na sa 507,717 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,783 panibagong COVID-19 cases ngayong Huwebes, Enero 21.
Nasa 30,126 naman ang active cases.
Samantala, 500 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 467,475 ang total recoveries
Habang 74 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,116 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,783 ngayong Huwebes, Enero 21.
Pumalo na sa kabuuang 507,717 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 30,126 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/h17I4SfaqD
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 21, 2021