Umakyat na sa 521,413 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,849 panibagong COVID-19 cases ngayong Biyernes, Enero 29.
Nasa 35,048 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 177 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t pumalo na 475,765 ang total recoveries
Habang 48 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,600 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,849 ngayong Biyernes, Enero 29.
Pumalo na sa kabuuang 521,413 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 35,048 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/b4spt5zsrw
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 29, 2021