Pumalo na sa 531,699 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,590 panibagong COVID-19 cases ngayongHuwebes, Pebrero 4.
Nasa 32,775 naman ang active cases.
Samantala, 249 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 487,927 ang total recoveries
Habang 55 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,997 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,590 ngayong Huwebes, Pebrero 4.
Pumalo na sa kabuuang 531,699 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 32,775 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/CPwVbZJ4OL
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 4, 2021