Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang kahapon ay pumapalo na sa 5,453 na ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
230 panibagong kaso ng COVID-19ang naitala sa nakalipas na magdamag.
14 naman ang nadagdag sa death toll ng COVID-19 na nasa 349 na.
Samantala pinabatid ng DOH na 58 pasyente naman ang mga bagong gumaling kayat nasa 353 na ang total recoveries mula sa COVID-19 sa bansa.