Muling pumalo sa higit 5,000 ang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinadapuan ng COVID-19.
Sa inalabas na datos ng Department of Health (DOH), naitala ang 5,290 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 640,984.
439 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 561,530 na ang bilang nito.
12,887 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng 21.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 5,290 ngayong Huwebes, Marso 18.
Pumalo na sa kabuuang 640,984 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 66,567 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/zHmDkJ0p0K
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 18, 2021