Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,241 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Dahil dito, umakyat na sa 67,456 kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa buong bansa.
Sa bilang na ito, ayon sa DOH, 43,160 ang mga itinuturing na active cases.
Iniulat naman ng health department ang 398 na bagong recoveries dahilan upang pumalo na sa 22,465 ang mga nakarekober mula sa sakit.
Samanta, umakyat na sa 1,831 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 kasunod ng pagpanaw ng 58 pang pasyente.