Pumalo na sa 7,192 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 211 new cases.
Nadagdagan naman ng 40 ang mga COVID-19 survivors kaya’t nasa 762 na ang mga nakarekober.
Samantala, nakapagtala ang DOH ng 15 bagong insidente ng pagkamatay dahil sa COVID-19 dahilan upang sumampa na sa 477 ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit.