Pumalo pa sa 76,444 ang kabuuang bilang ng kupirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito ay matapos makapagtala ng panibagong 2,103 kaso ang Department of Health, batay sa kanilang pinakahuling datos ngayong Hulyo 24.
Ayon sa DOH, mula sa nabanggit na mga bagong kaso, 1,029 ang itinuturing na fresh cases o bagong validated habang 1,074 naman ang late cases.
Anila, pinakamaraming naitalang bagong kaso sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,272.
Sinundan ng Cebu na nakapagtala ng 291 bagong kaso, Laguna na 107, Rizal na 83 at Cavite na 53 bagong kaso
Samantala, umakyat naman sa 24,502 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 144 na bagong recoveries.
Nadagdagan naman ng 15 ang bilang ng mga nasawi na mayroon nang kabuuang isang 1,879 na death toll.