Sumirit na sa mahigit 82,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) pumapalo sa 1,657 ang nadagdag na kaso ng COVID-19 kaya’t umakyat na sa 82,040 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nasabing virus sa bansa.
Ito na ang ika 13 sunod na araw na nakapagtala ng mahigit 1,300 bagong impeksyon.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 ang Metro Manila – 1, 017 ,Laguna – 89, Cavite – 38, Cebu – 31 at Rizal – 31.
Umakyat na rin sa 26,446 ang total recoveries matapos madagdag ang 359 na mga bagong gumaling sa nasabing sakit na pumatay na sa halos 2,000 katao nang madagdag ang 16 na bagong nasawi.
Nasa 53,649 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 at patuloy na sumasailalim sa gamutan o quarantine.