Halos 90,000 o 89,374 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ayon sa Depatment of Health (DOH) ay matapos madagdag ang halos 4,000 o 3,954 na bagong kaso ng COVID-19 kung saan 1,320 ang fresh cases at 2,634 ang late cases.
Sa nasabing bilang nasa 22,327 ang aktibong kaso.
Naitala naman ang 38,075 ang bagong gumaling sa COVID-19 kaya’t pumapalo na sa 65,064 ang total recoveries o katumbas ng 73 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bansa.
Samantala umakyat na sa 1,983 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 matapos madagdag ang 23 bagong nasawi sa virus.