Pumapalo na sa halos 19,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00 p.m. kahapon, Hunyo 2 nasa 359 ang napaulat na bagong kaso ng nasabing sakit kayat umaabot na sa 18,997 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
176 sa mga bagong kaso ay maituturing na fresh cases at 183 ay late cases.
Sinabi ng DOH na anim pa ang nasawi kayat nasa 966 na ang COVID-19 related deaths.
Ipinabatid ng DOH na 84 ang pasyenteng gumaling sa naturang virus kayat nasa 4,063 na ang total recoveries sa COVID-19.