Pumapalo na sa halos 59,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Kasunod na rin ito ng halos 1,400 dagdag na kaso ng COVID-19 kung saan 512 ang fresh cases at 880 ang late cases.
Kabilang sa limang lalawigan na nakapagtala ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang Metro Manila – 708, Cebu – 198, Iloilo – 86, Laguna – 64 at Cavite – 46.
Umakyat pa sa halos 21, 000 ang total recoveries nang madagdagan ng 517 mga bagong gumaling mula sa nasabing sakit.
Nadagdagan naman ng 11 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 na ngayo’y nasa 1,614 na.
Nasa mahigit 36,000 ang active cases na kasalukuyang ginagamot o naka-quarantine kung saan 90.6 percent ang mild, 8.6 percent ang asymptomatic, 0.4 percent ang severe at 0.5 percent ang critical condition.