Lumagpas na sa 290,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 sa ika-14 na sunod na araw.
Ayon sa DOH, 3,475 bagong infections ang kanilang naitala kahapon, dahilan kaya umabot na sa 290,190 ang kabuuang COVID-19 case sa bansa.
Kabilang sa mga nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang Metro Manila na umabot sa isang 1,543.
Sinundan ng Batangas na mayroong 194 na bagong infections, Cavite na 166 at Cebu na 165.
Samantala, umakyat din sa 230,233 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19 matapos makapagtala ng 400 bagong nakarekober.
15 naman ang nadagdag sa mga nasawi na pumalo na sa kabuang 4,999.