Patuloy ang pag-akyat ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ipinabatid ng Department of Health (DOH) na pumapalo na sa 238,727 ang kaso ng COVID-19 matapos madagdag ang 1,383 na bagong infections at itinuturing na pinakamababang kaso simula noong Hulyo.
Kabilang sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 metro Manila – 525, Laguna – 137, Batangas – 99, Negros Occidental – 77 at Cavite – 69.
Naitala naman sa 184,906 ang total recoveries na nadagdagan ng 230 na mga bagong gumaling sa COVID-19.
15 ang nadagdag sa death toll na nasa 3,890 na.
Rumehistro naman sa 49,931 ang active cases kung saan 88.3% ang mild, 8.3% ang asymptomatic, 1.4% ang severe at 2% ang critical condition.