Sumirit na sa 404,713 ang kabuuang bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,902 na bagong kaso.
Sa pinakahuling COVID-19 bulletin ng DOH, umakyat naman sa 362,903 ang bilang ng mga nakarekober o gumaling mula sa sakit bunsod ng 506 na bagong recoveries.
Sinasabing sa nabanggit na bilang, nasa 34,058 na lamang ang active cases o 8.4% ng kabuuang bilang ng impeksiyon sa buong bansa.
Kasabay nito, pumalo na sa 7,752 ang death toll bunsod ng pagpanaw ng 31 pasyente.
Nakapagtala naman ng pinakamaraming bagong kaso ang Cavite na 122, sinundan ng Davao City na 113, Quezon City na 84, Bulacan na 81, at Maynila na 78.
Samantala, ipinagmalaki ng DOH na bukas at gumagana ang karamihan sa mga ospital sa Metro Manila sa kabila ng kalamidad.