Nakapagtala na ng mahigit 483,000 na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ngayong araw, ika-8 ng Enero.
Ito’y matapos makapagtala ng 1,776 bagong kaso ng mga nahawaan ng naturang virus.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), may kabuuang 483,852 na mga kaso ng COVID-19 sa bansa ang naitala na mayroong 25,158 aktibong kaso.
Nanguna ang Bulacan sa may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na may 99 na naitala, sinundan ng Davao City na may 96 at Quezon City na mayroong 83 kaso.
Samantala, nakapagtala naman ng karagdagang 285 katao na mga gumaling kung kaya’t pumalo na sa kabuuang 449,330 mga gumaling ang naitala sa bansa. Tumaas rin ang kaso ng mga nasawi sa COVID-19 matapos madagdagan ng walong kaso, at nakapagtala ng may kabuuang 9,364.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,776 ngayong Biyernes, Enero 8.
Pumalo na sa kabuuang 483,852 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 25,158 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/aSjuWMVbE0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 8, 2021