Umabot na sa kabuuang 631,320 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 4,437 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 57,736 ang bilang ng mga aktibong kaso nito.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 11 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 12,848 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
560,736 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 166 na mga bagong gumaling dito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,437 ngayong Martes, Marso 16.
Pumalo na sa kabuuang 631,320 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 57,736 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/qciYz5HFos
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 16, 2021