Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit dalawang libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula March 24 hanggang 30, 2022.
Dahil dito, aabot na sa 3,677,924 ang kabuuang kaso ng COVID-19 kung saan nasa 40,412 na ang active cases sa Pilipinas.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 38,989 ang asymptomatic, mild, at moderate habang 1,423 cases ang severe o kritikal.
Aniya, naobserbahan din nila na ilang lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng mababang kaso ng virus.
Samantala, pumalo na sa 59,125 ang kabuuang bilang ng nasawi.