Posible pa ring makapagtala ang Pilipinas ng 30,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw sa mismong katapusan o bago matapos ang buwan.
Ayon sa OCTA research group, nasa 14% na ang average growth rate o bilis ng pagdami ng mga kaso, indikasyon na tumataas nang 14% ang COVID cases kada linggo.
Sa tantsa ni Dr. Guido David ng OCTA, nasa 20,000 ang average cases ng mga nagkakasakit kada araw ngayon.
Ito’y makaraang pumalo sa 26,303 ang bagong kaso noong Setyembre 11 na pinakamataas na bilang ng mga COVID-19 cases sa isang araw mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Sumampa rin sa all-time high na 9,061 ang bagong kaso sa NCR batay sa datos ng Department of Health o 34% ng kabuuang 26,303 cases noong Sabado.—sa panulat ni Drew Nacino