Sumadsad ng 10% ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang isiniwalat ng OCTA Research makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 10,000 kaso sa pitong magkakasunod na araw.
Batay sa pinakahuling monitoring report ng OCTA, ang nasabing numero ay naitala mula ika-9 hanggang ika-15 ng Mayo.
Pinakamarami naman ang bilang ng impeksiyon sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,644 cases na nagkaroon ng 30%t na pagbaba at sinundan ito ng Cavite na may 330 cases kung saan nagkaroon din ng 20% na pagbaba.
Sa loob naman ng nasabing panahon, higit isang daan ang mga naitalang insidente ng pagkamatay kada araw.