Sumirit na sa 157,918 ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ng 4,351 na bagong kaso ang Department of Health (DOH).
Tulad ng inaasahan, nangunguna pa rin sa listahan ng may pinakaraming kaso sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras ang Metro Manila na mayroong 1,952 cases, sinundan ng Region 4A o Calabarzon na mayroong 566 cases, at Region 7 o Central Visayas na nakapagtala ng 181 confirmed cases.
Kasabay nito, pumalo na sa 72,209 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng 885 na mga pasyente habang umakyat naman sa 2,600 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 156 na COVID positives.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,351 ngayong Sabado, Agosto 15.
Dahil dito, pumalo na sa 157,918 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/uXuOPC6ZqT
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 15, 2020