Umabot na sa kabuuang 945,745 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 9,628 na mga bagong kaso ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 141,375 ang bilang ng mga aktibong kaso nito.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 88 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 16,048 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
788,322 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 9,266 na mga bagong gumaling dito.