Tinatayang mahigit isang milyong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang maitatala sa bansa bago matapos ang buwang ito.
Ayon ito sa OCTA Research Group sa gitna na rin nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kasabay nito, ipinabatid ng OCTA Research na ang dagdag na hospital beds para sa COVID-19 cases ay nakatulong na mapababa ang hospital occupancy rate sa ilang lungsod subalit nagbabala ang grupo ng mga expert na maaari na ring mapuno o ma okupa na ang mga ito.
Nakikita anila ang 11,000 hanggang 12,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa mga susunod na linggo.