Pumalo na sa kabuuang 173,774 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Ito’y makaraang maitala ang karagdagang 4,650 na mga bagong kaso ng virus.
Sa kaparehong bulletin, nasa 716 ang iniulat na nakarekober o gumaling na sa virus sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, nasa kabuuang 113,481 na ang gumagaling sa COVID-19 sa bansa.
Samantala, ayon sa DOH, 111 pa ang naidagdag sa mga namatay sa virus, kaya’t nasa kabuuang 2,795 na ang related deaths sa COVID-19 sa Pilipinas.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,650 ngayong Miyerkules, Agosto 19.
Pumalo na sa kabuuang 173,774 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 57,498 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/haLMXskWrE
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 19, 2020