Umabot na sa kabuuang 580,442 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 2,067 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 33,610 ang bilang ng mga aktibong kaso nito o nasa 5.8%.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 47 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 12,369 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
534,463 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 144 na mga bagong gumaling dito.