Umabot na sa kabuuang 747,288 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 6,128 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 130,245 ang bilang ng mga aktibong kaso nito.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 106 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 13,297 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
603,746 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 491 na mga bagong gumaling dito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 6,128 ngayong Miyerkules, Marso 31.
Pumalo na sa kabuuang 747,288 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 130,245 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/zwYmNFdWBx
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 31, 2021