Umabot na sa kabuuang 936,133 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 10,098 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, 141,089 ang bilang ng mga aktibong kaso nito.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 150 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 15,960 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
779,084 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 72,607 na mga bagong gumaling dito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 10,098 ngayong Linggo, Abril 18.
Pumalo na sa kabuuang 936,133 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 141,089 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/6WfcTHh28B
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 18, 2021