Sumipa na sa 153,660 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ng 6,216 na bagong impeksiyon ang Department of Health (DOH) na pangalawang pinakamataas na naitala sa isang araw kasunod ng 6,901 confirmed cases noong Agosto 10.
Umakyat naman sa 71,405 ang bilang ng mga gumaling kasunod ng 1,038 na recoveries na naitala kahapon.
Samantala, sumampa na sa 2,442 ang death toll sa bansa kasunod ng pagpanaw ng labing-anim pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 6,216 ngayong Biyernes, Agosto 14.
Dahil dito, pumalo na sa 153,660 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/kWH21wdoEo
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 14, 2020