Umakyat na sa 182,365 ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,786 na bagong impeksiyon.
Sinasabing mahigit kalahati o 2,716 sa bagong kaso ay mula sa National Capital Region (NCR).
Kasabay nito, pumalo na sa 114,519 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng 616 pang pasyente.
Samantala, sumampa na sa 2,940 ang mga nasawi dahil sa 59 na nadagdag sa naturang bilang.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,786 ngayong Biyernes, Agosto 21.
Pumalo na sa kabuuang 182,365 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 64,906 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/tlR9gVBMVg
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 21, 2020