Sumirit na sa 187,249 ang mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos maitala ang 4,933 na bagong impeksiyon.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa bilang na ito, 69,362 ang active cases habang 91.5% ang nakakaranas ng mild symptoms.
Nabatid na umakyat na sa 114,921 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng 436 na pasyente.
Samantala, sumampa na sa 2,966 ang death toll dahil sa pagpanaw ng 26 pang COVID-19 positives.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,933 ngayong Sabado, Agosto 22.
Pumalo na sa kabuuang 187,249 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 69,362 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/FO4NDnJhMq
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 22, 2020