Sumipa na sa 184,687 ang bilang ng mga nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 23,074 na bagong recoveries.
Ayon sa DOH, umakyat naman sa 237,365 ang COVID-19 cases sa bansa dahil sa 2,839 na bagong impeksiyon sa loob lamang ng 24 oras.
Sa bilang na ito, sinasabing 48,803 lamang ang mga aktibong kaso habang pinakamarami pa rin ang mga positibo sa National Capital Region (NCR)
Samantala, sumirit naman sa 3,875 ang death toll sa bansa kasunod ng pagpanaw ng walumpu’t lima pang pasyente na dinapuan din ng coronavirus.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,839 ngayong Linggo, Setyembre 6.
Pumalo na sa kabuuang 237,365 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 48,803 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/tl2XU5Z1dN
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 6, 2020