Umakyat na sa 304,226 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,995 bagong kaso.
Sa nabanggit na mga bagong kaso, pinakamarami ang naitala sa Metro Manila na umaabot sa 1,605.
Sinundan ng Cavite na 297, Bulacan na 180, Batangas na 157 at Laguna na 143.
Nakapagtala naman ng 19,630 bagong recoveries ang DOH sa ilalim ng tinatawag na “Oplan Recovery” tuwing linggo.
Dahil dito, 252,510 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Samantala nadagdagan naman ng 60 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 na mayroon nang kabuuang bilang na 5,344.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,995 ngayong Linggo, Setyembre 27.
Pumalo na sa kabuuang 304,226 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 46,372 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/SSnnr742PE
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 27, 2020