Naitala, kahapon, ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang araw na umabot sa 1,150.
Ayon sa Department of Health (DOH), 789 sa mga nabanggit na bilang ang “fresh cases” habang 361 ang “late cases”.
Dahil dito, umakyat na sa 31,825 ang kabuuang bilang COVID-19 case sa bansa.
288 sa mga fresh case ay mula sa Region 7 o Central Visayas; 207 ay mula sa Metro Manila; habang ang nalalabing 294 ay mula sa magkakahiwalay na lugar sa bansa
Samantala, nakapagtala naman ng 299 na mga bagong recoveries o gumaling at siyam na mga bagong nasawi mula sa COVID-19.