Umakyat na sa 324, 762 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos Ianunsyo ng Department of Health (DOH) ang 2, 291 n a mga bagong infection.
Numero uno pa rin ang Metro Manila sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na nasa 825 sinundan ng Batangas – 140, Laguna – 128, Rizal – 114 at Cavite – 102.
Pumapalo na sa 273, 123 ang total recoveries matapos 87 pang pasyente ang mga bagong gumaling sa COVID-19.
Sumirit na rin sa 5, 480 ang death toll matapos maital ang 64 na bagong nasawi sa virus.
Nasa 45, 799 ang active cases kung saan 85.6% ang mild, 9.2% ang asymptomatic, 1.6% ang severe at 3.6% ang critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,291 ngayong Lunes, Oktubre 5.
Pumalo na sa kabuuang 324,762 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 45,799 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/hHO89gmkYx
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 5, 2020