Umakyat na sa 33,069 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undesecretary Maria Rosario Vergeire 778 ang naitalang nadagdag na kaso ng COVID-19 kayat pumapalo na sa 33,069 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 hanggang kahapon, June 25.
Sa mga nadagdag na kaso 415 ay fresh cases at 363 ang late cases.
Samantala walo naman ang nadagdag sa ngayoy kabuuang death toll na nasa 1,212 na.
Ipinabatid pa ng DOH na 255 ang mga bagong gumaling mula sa naturang sakit kayat umakyat na rin sa 8,910 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.