Umabot na sa kabuuang 373,144 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavieus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 1,524 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 37,000 ang bilang ng mga aktibong kaso nito o nasa 10%.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 14 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 7,053 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Tatlong daang dalawapu’t walo libong animnaraan at dalawa (328,602) naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 353 na mga bagong gumaling dito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,524 ngayong Martes, Oktubre 27.
Pumalo na sa kabuuang 373,144 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 37,489 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/SC6qvjEdCv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 27, 2020