Umakyat pa sa 383,113 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,396 na bagong kaso.
Ayon sa DOH, pinakamataas na bilang ng bagong impeksyon ay naitala sa Davao City na umabot sa 148.
Sinundan ng Quezon City na 146 na bagong kaso, Laguna na 122, Cavite na 112 at Benguet na 100.
Samantala, nasa 348,760 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa buong bansa.
Ito ay kasunod ng pagkakatala ng 17,727 mga bagong nakarekober na pasyente.
Nadagdagan naman ng 17 ang bilang ng mga nasawi na umaabot na sa kabuuang 7,238.
ICYMI: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,396 ngayong Linggo, Nobyembre 1.
Pumalo na sa kabuuang 383,113 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 27,115 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/6pZY3cBd2z
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 1, 2020