Umakyat pa sa 385,400 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,298 na bagong kaso.
Ayon sa DOH, naitala ang pinakamaraming bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Benguet na umabot sa 188.
Pangalawa ang Davao City na nakapagtala ng 166 na new infections, sinundan ng Rizal na 119, Quezon City na 116 at Bulacan na 91.
Samantala, nadagdagan naman ng 87 ang bilang ng mga pasyente na gumaling mula sa COVID-19.
Dahil dito, mayroon nang kabuuang 348,830 na nakarekober na COVID-19 patients sa bansa.
Habang umakyat pa sa 7,269 ang deathtoll sa bansa matapos madagdagan ng 32 bagong nasawi.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,298 ngayong Lunes, Nobyembre 2.
Pumalo na sa kabuuang 385,400 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 29, 301 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/wIIvMKg9BO
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 2, 2020