Umakyat na sa 387, 161 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Kasunod na rin ito nang naitalang dagdag na 1, 772 na mga bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH) kabilang sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 ang Pampanga – 154, Quezon City – 115, Laguna – 83, Baguio City – 70 at Lungsod ng Maynila – 69.
Samantala pumapalo na sa 348, 967 ang total recoveries matapos maitala ang 153 patients na mga bagong gumaling mula sa naturang virus.
Nai-record ang 49 na bagong nasawi sa COVID-19 kayat sumampa na sa 7, 318 ang death toll sa naturang sakit.
Nasa 30, 876 ang active cases na sumasailalim sa gamutan o quarantine kung saan 82. 5% ang mild, 10% ang asymptomatic, 2.7% ang severe at 4. 8% ang critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,772 ngayong Martes, Nobyembre 3.
Pumalo na sa kabuuang 387,161 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 30,876 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/51bREJIqgR
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 3, 2020