Sumirit na sa 480,737 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,047 panibagong COVID-19 cases ngayong Miyerkules, Enero 6.
Nasa 22,690 naman ang active cases.
Samantala, 339 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 448,700 ang total recoveries
Habang 26 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 9,347 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,047 ngayong Miyerkules, Enero 6.
Pumalo na sa kabuuang 480,737 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 22,690 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/ocbREQL0Xu
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 6, 2021