Sumirit na sa 492,700 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,453 panibagong COVID-19 cases ngayong Miyerkules, Enero 13.
Nasa 24, 478 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 397 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 458,523 ang total recoveries
Habang 146 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 9,699 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,453 ngayong Miyerkules, Enero 13.
Pumalo na sa kabuuang 492,700 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 24,478 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/ZSTDllRx2p
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 13, 2021