Sumirit na sa 509,887 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,178 panibagong COVID-19 cases ngayong Biyernes, Enero 22.
Nasa 32,031 naman ang active cases.
Samantala, 250 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 467,720 ang total recoveries
Habang20naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,136 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,178 ngayong Biyernes, Enero 22.
Pumalo na sa kabuuang 509,887 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 32,031 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/khkBExBpCq
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 22, 2021