Sumipa na sa 519,575 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,169 panibagong COVID-19 cases ngayong Huwebes, Enero 28.
Nasa 33,427 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 60 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 475,596 ang total recoveries
Habang 71 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,552 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,169 ngayong Huwebes, Enero 28.
Pumalo na sa kabuuang 519,575 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 33,427 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/DOUX0hmQPu
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 28, 2021