Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 634 pa ang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa na ngayo’y pumapalo na sa kabuuang 57,545.
Nasa 35,483 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Sa mga nadagdag na kaso 302 ang fresh cases at 332 ang late cases.
Anim ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 na ngayo’y nasa 1,60 na.
Umakyat na sa 20,459 ang total recoveries matapos madagdag ang 88 mga bagong nakarekober sa nasabing sakit.