Umakyat na sa 6,710 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito, ayon sa Department of Health (DOH), ay matapos madagdagan ng 111 ang bilang ng mga nagpositibo sa nabanggit na virus sa ating bansa.
Nasa 693 na ang mga nakarekober makaraang madagdagan ng 39 new recoveries.
Siyam naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 kaya’t nasa 446 na ang COVID-19 deaths sa buong kapuluan.