Sumirit na sa halos 144,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos maitala ang 4,444 na bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 72,348 ang aktibong kaso mula sa kabuuang 143,749.
Sa datos mula sa 91 lisensyang laboratoryo 636 ang mga bagong gumaling sa COVID-19 kaya’t pumapalo na sa halos 69,000 ang total recoveries sa bansa.
Nasa 2,404 ang death toll matapos maitala ang 93 mga bagong nasawi sa nasabing virus.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,444 ngayong Miyerkules, Agosto 12.
Dahil dito, pumalo na sa 143,749 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/vz5otFLBZa
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 12, 2020