Umakyat na sa mahigit 360,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,640 bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH, pinakamataas na numero ng new infections ang naitala sa Cavite at Quezon City na kapwa walumpu’t anim
Sinundan ito ng batangas na animnapu’t siyam, bulacan na 62 at Manila City na nakapagtala ng 61 bagong kaso.
Nadagdagan naman ng 369 ang bilang ng gumaling mula sa COVID-19 sa bansa na mayroon nang kabuuang 310,642 .
Habang umakyat naman sa 6,690 ang kabuuang bilang ng nasawi matapos makapagtala ng panibagong 17 namatay sa COVID-19.
Anila, apat na kasong dating tinukoy bilang recoveries ang ni-reclassify bilang nasawi.
Samantala, sinabi ngD OH a may 15 mga laboratoryo ang nabigong makapagsumite sa oras ng mga datos.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,640 ngayong Martes, Oktubre 20.
Pumalo na sa kabuuang 360,775 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 43,443 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/u66zb3Bsrl
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 20, 2020