Umakyat nasa mahigit 106,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) naitala sa 3,226 ang mga bagong kaso ng COVID-19 dahilan kaya’t pumapalo na sa 106,330 ang kabuuang kaso ng COVID-19.
Ito ang ikalimang sunud na araw na sumampa sa 3,000 mark ang mga bagong kaso ng COVID-19 matapos ang apat na sunod na araw ng record high new cases.
Kabilang sa mga nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19ang Metro Manila – 1, 541, Cebu – 503, Laguna – 181, Rizal – 158 at Cavite – 129.
Nadagdagan naman ng 275 ang mga bagong gumaling sa COVID-19 kaya’t nasa 65,821 na ang total recoveries.
Sumirit naman sa 2,104 ang death toll matapos madagdagan ng 46 na mga bagong nasawi sa nasabing virus.
Rumehistro na sa 38,405 ang aktibong kaso ng COVID-19.